Monday, December 10, 2012

Day 21

Hahaha natawa ako na nalungkot. Nanood sila ng Rise of the Guardians ni meh. Kung kami pa, malamang sa alamang nanood din kami ng ganun. Ganun personality ko eh, ganun mga gusto ko panuorin. Sayang...hindi kami natuloy ni crushie magsine. Yun din sana papanuorin namin.

Hay hanggang kailan ko kaya kayang lokohin sarili ko na ayos lang ako? Sana maging sila na lang. Para panatag ako. Masakit. Pero panatag na may magaalaga sa kanya. Na hindi na niya kailangan pilitin sarili niya na tanggalin ako sa sistema niya kasi may bago na siyang paglalaanan ng oras. 

Nagaalala pa din talaga ako tuwing naiisip kong baka nainom uli siya at nauwi ng gabing gabi.

No comments:

Post a Comment