Alam ko pangit ako magdrawing...pero hindi yun ang point ng post ko. Alam kong interested ka sa mga ganitong discussions at namiss kita kasi wala akong mashare-an tungkol dito. Like... Pano pag drinawing ko sarili ko? Anong lalabas na personality? Kapag drinawing ko ba sarili ko ng nakadress, girly siya lalabas? Or pag drinawing ko sarili ko na nakamagicians outfit, marunong siya agad magperform ng magic tricks? Or magiging robotic chuva? Susundin lahat ng sabihin ko? Or clone ko? Pano pag pinatay niya ko? Eligible ba siya makulong?
Hindi kita idradrawing. Feeling ko din hindi ako ang idradrawing mo. Wag tayo magjump into conclusions ha. Shinare ko lang talaga yung thoughts ko.

No comments:
Post a Comment