Sunday, November 4, 2012

Day 3

Hindi ako pinagchurch kasi may sakit pa din. Pinaiwan si tatay para bantayan ako. Umalis rin bigla kaya magisa lang ako. Sana gumaling na ako.

Masarap naman maging physically magisa. Pero yung maging magisa emotionally? Yun ang matindi.

Siya kasi parang sa tagal namin, natake for granted ko ata yung emotional rope namin. Parang...andyan siya. Palagi siya nandyan. Nasanay na ako. Alam ko paguwi ko nandyan siya. Pero ngayon na wala siya? Na ang tagal tagal na niya wala... Para akong pinapatay ng pagiging magisa ko. As in parang ang laki laki ng butas.

Hanggang ngayon wala pa ding saysay lahat. Sana magparamdam na uli siya. Hindi ako makatulog kagabi sa excitement dahil nakapagusap uli kami. Hehe.

Hinahanap rin kaya niya yung ganun?

No comments:

Post a Comment