Magkausap kami ngayon. Hindi ko alam kung tama ba o mali na pinaguuspan namin yung adventures niya kasama yung ibang tao simula nung di kami. Mukha naman siyang masaya sa kwinekwento niya. Or baka dahil tinatakpan lang niya ng masayang intonation yung feelings niya.
Ibig sabihin ba nito naasa pa din ako?
Saklap ng pagibig. Kahit anong gawin mong pagpigil sa emosyon, wala ka pa din kawala sa kamao nito pag sinuntok ka. Walang silbi yung pamalit mo ng damit pag natamaan ka ng alon ng emosyon mo. Walang ha ni ho bigla ka kakainin.
Hanggang wala ka nanaman. Wala ka nanaman sa sarili mo. Iyak ka nanaman.
No comments:
Post a Comment